Sa tuwing sasapit ang SONA ng ating mga naging pangulo, malimit nating napapakinggan sa telebisyon, radyo at maging sa internet ang mga kuro-kuro at opinyon ng maraming mga eksperto. Bagama't kinikilala natin ang halaga at malaking tulong na nai-aambag ng mga pagsusuri ng mga dalubhasa sa maraming larangan, mahalaga ring marinig ang boses ng mga kabataan at ng iba't-ibang samahang kumakawatan sa mga sektor na nasa laylayan ng ating lipunan. Upang simulan ang adhikaing ito, bumunot kami ng ilan sa aming mga katuwang na samahan at hiningi ang kanilang maikling opinyon sa naging SONA ni Pangulong Duterte. Amin na ring kinapanayam ang mga volunteer na kasama naming nanood ng SONA ng Pangulo. Narito ang ilan sa kanilang mga naging tugon. Disclaimer: " Ang nakaraang SONA ng ating kasalukuyang presidente na si Rodrigo Duterte ay maaaring maging panimula sa tunay na pagbabago na kaliangan ng ating bansa. Una, ang pagbawas ng pursyento ng Tax ng mga manggagawa na kumikita lamang ng pang average. Pangalawa, ang pagdagdag ng kagamitan at programa para sa pang-agrikultura, ang pagsugpo ng korapsyon at kriminalidad sa bansa. Ito ay ilan lamang sa mga pinangako nito na sana ay matupad sa kanyang termino bilang pangulo. Tunay din na nakuha ng bagong pangulo ang tiwala ng buong sambayanan dahil na rin sa kanyang pusong makabansa at bilang isang buhay na solusyon sa mga problema na kinakaharap ng ating bansa." Jerome Manalo, St. Anthony De Padua Parish "Medyo inconsistent and wala siyang tiwala sa data na nasa script. Ayaw niya paniwalaan yung nasa script kasi parang hindi reliable yung statistics." Don Mac, COSCA Volunteer "Mahusay at nakakahanga ang mga binitiwang pangako ng pagbabago ni Pres. Duterte. Tunay na tinalakay niya ang katotohanan na nararanasan ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Kapaki-pakinabang ang mga pangako niya na pro-poor at clean and good government...droga, FOI, fisherfolks, lumad, mining, women, illegal settlers, train, traffic, runway, taxes, hotline na 888, lahat ng ito ay dalangin natin na matupad at magkaisa ang bawat Pilipino." Lisa Arnaldo Program Coordinator, Teresa Charities for the Elderly Program Inc. "I was amazed at how Duterte delivered his speech in which he skip the prepared script and utter an honest opinion. I can see his wisdom and passion on what he is saying to address the issues presented in our country. He also talked about his initial accomplishments in a statistical way in which there are a lot of people that are being arrested and willingly surrendered for rehabilitation." Kyle, COSCA Volunteer "Maganda at nagkakaroon ng pag-asa na may pagbabago at pag-unlad pa ang Pilipinas. Sana maipatupad niya." Maricar Malate, President Kababaihang Yumayabong, tungo sa Kagalingan (KAYUMANGGI), Quezon City "Sometimes he goes with the script, sometimes does not. I see some inconsistencies from what he said now and what he said before during the campaign period." Luis, COSCA Volunteer "Ang SONA ni DU30 ay nagpapahiwatig ng pag-asa sa ating bansa. Lalo na po yung pagbibigay halaga sa mga dukha o mahihirap." Michael Bauyon, Pangulo Samahan ng mga Maliliit na Mangingisda ng Binubusan (SMMB), Lian, Batangas "Totoo yung nangyayari at dapat gawin ng gobyerno." Anselmo Astilla, President Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC), Lian, Batangas "Ang masasabi ko lang po sa SONA ni DU30 ay napakaganda. Sana ay magawa. Lalung-lalo na ang umaasa sa Pantawid Pamilya. Sa facilities ng PINAS ang fast net, fast LRT, kasi tayo lang bulok na LRT. TAGAL PILA. Ang laban sa droga pag-igtingin. Sa lahat ng plano tuparin at pagbutihin para umasenso ang PINAS." Analyn Solis, President Bukluran ng mga Migranteng Manggagawa at Kapamilya sa Brgy. 28, Dagat-Dagatan, Caloocan City Bitin ba ang mga nakasulat na saloobin sa naging SONA ni Pangulong Duterte? Halika't pahabain natin ang diskusyon. Ipadala ang iyong pananaw sa: Center for Social Concern and Action
2nd Floor, Br. Connon Hall, 2401 Taft Avenue, Manila Telefax: (632) 523-4143
0 Comments
|